Sunday, August 8, 2010

"YOU'RE HIRED!! If you have this behavior"

Mula lunes hanggang sabado alam natin na sobsob tayo sa trabaho, ngunit sa tinagal-tagal ng panahon nakilala mo na ba ang ugali ng iyong mga katrabaho? Malamang ang iba sa inyo naunahan na ninyo ang SAMAHANG WALANG KATULAD para bantayan ang mga taong ito, pero teka lang baka ang iba di nyo pa alam ang istilo. Kaya para maging aware lang kayo ibibigay ko ang iba sa mga ito.

Ito nama’y di lang dito, dahil alam ko marami din ito sa ibang kakilala nyo, pero mas maigi nang ibigay ko para maiwasan nyo kung wala ka pa sa ugaling ito. Narito ang iilan sa ugali ng mga kasamahan mo at kasamahan ko.

SERVICE ORIENTED ( mga taong di kalakaw kung walay service) – ito’y ugali ng mga tao na di makatrabaho kung walang service, in short walang sasakyan. Dahil nga multi-task tayo may mga trabaho na sa labas sa ating opisina at kadalasan pagnangyayari ito kaylangan nating magsakripisyo. Pero sa totoo lang may mga tao na di makaalis kung wala ito, sa medyo may lakas ang loob, hala makisakay nalang kayo makasave pa kayo.

KEEN OBSERVER (mga taong himantayon) – ito’y tinatawag sa mga taong tsismosat tsismoso. Mabusisi daw sila umano dahil kahit di nila trabaho sa totoo lang mas kabisado pa nya kesa sa inyo. Ang nakatatawa dahil lahat walang pinapalampas ang mga taong ito dahil pati personal mo pinapakialaman na nito. BABALA: mag-ingat kayo dahil isa sa kanila katabi nyo.

TIME CONCIOUS (oras lang ginabantayan) – ang motto nga mga taong ito ay TIME IS GOLD. Pero sa totoo, ito’y ugali ng mga tao na oras lang ang binabantayan, kung nagtatrabaho nga sila yan ay di ko alam. Ilan sa halimbawa tulad, break time, lunch time, break time uli, tapos wala pang oras ng uwian di mo na makita sa kanyang upuan. ARAY KO ang daming natamaan. Ako sa inyo tanggalan nyo sila ng orasan na madalas nilang matitigan.

HARD WORKING ( lisod patrabahoon) – ito naman ang mga tipong tao na ang hirap utusan, as in lisod gyud kayo! Hard Working as in Lisod patrabahoon. Makalagot ggrrrrrrrrrrrrr. Sa totoo lang, kaya nga sila nautusan kasi medyo busy tayo at tingin natin wala silang trabaho. Kadalasan pag-utusan mo ito sinasagot ka na “ busy po ako”.

WITH PLEASING PERSONALITY ( mga taong palasugo) – Sarap pakinggan kung meron ka nito. Pero dito ito yong mga tipong tao na utos nalang ng utos, kulang nalang isubo mo sa kanya ang lahat. Please dito Please doon, kaya nga with Pleasing personality.

OPEN MINDED (mga taong walay sulod ang ulo)– Madalas makikita ito sa mga meeting dahil nga inaasahan sila na may mga brilliant idea di umano na pwedeng ibahagi sa mga tao. Kaso nga lang dito, ito yong mga tipong tao na naimbitahan na para magshare ng knowledge pero pagdating sa actual wala naman palang maishare dahil OPEN MINDED as in blanko o walang laman ang ulo. Nag kukunwari lang di umano.

OUTSTANDING EMPLOYEE ( mga taong sige lang ug gawas)– Awarding nga naman talaga ang dapat dito. Pero dito, ito yong istilo ng mga tao na laging lumalabas o umaalis sa pwesto. Kung hindi CR patungo inaatupag ang mga konting negosyo. Akala mo lusot kayo, noon pa alam na namin ito.

Sa susunod ulit ha basta may bago hayaan nyo ipapaalam ko sa inyo. Basta wait lang kayo may ishare ako sainyo.

Wednesday, August 4, 2010

"THANK YOU, but i'll be forever missing you"

It has been three years then since I met GIBSON my ever dearest friend. Wherever I go, whatever I do, GIBSON is the closest friend of mine who knows everything and anything that happened to me. I loved him second to Professor X and even treated him as Kaberks, Kabarkada, Kakosa, Kaibigan, Kakampi, Kabalikat, Kapatid, Kapuso, at higit sa lahat Kapamilya. More than anything else he’s always with me anywhere I go, to give me comfort and convenience.

Just a month ago I met LC, through the help of my friend Donald finally nakuha ko syang buong-buo. Mahigit kay GIBSON si LC naman ay mas kasama ko kahit saan ako at karamay ko kung kaylangan ko kayo. He’s very expressive, romantic, loving, at higit sa lahat he has the human touch na kahit saan at kahit kelan sa pamamagitan nya naipapaabot nya sa akin ang inyong mga hinaing at kaylangan.

It never came to my mind that one of this days I might be losing one of them, but the mere fact that were just all passing through, ngayon pa lang handa na akong sino man sa kanila ang unang mawala sa akin.

Last night, while my friend and I talking about what’s in and what’s out, while waiting for the heavy rain to stop nawala ang concentration ko kay LC na umabot sa puntong napabayaan ko sya. Lingid sa aking inaasahan si LC naman kasi ang dahilan kung bakit akoy inyong makausap kung kinakailangan, ang hindi ko inisip ni minsan na pag syay aking nakaligtaan ni konting boses nya ay hinding-hindi ko na mapakinggan. Sya man ang paraan sa ating kwentohan, sya rin ang tipong di marunong humingi na tulong kung syay nangangailangan.

I never shed a tear of losing my LC because I know GIBSON is still there for me. Sa inyong dalawa salamat. Kay LC naman saan ka man ngayon sanay minsan maalala mo ako at magparamdam ka. Thanks for the very short time that you shared with me and GIBSON. I promise who ever comes from your clan, I will love and take good care as much as I can do para hindi na maulit ang pagkukulang ko.

Kung sino man si GIBSON? Siya ang aking Motorsiklo na Blue na Kapatid ni MEL na motorsiklo ko na pula. Si LC naman, sya ang nagmamay-ari ng upuang nasa taas ng aking Office Table. Kung gusto nyong malaman halika sa kanyang upuan. SALAMAT LC AT PAALAM......