Mga mahilig sa bola umarangkada na.
Kahapon June 20 ng unang rumatsada ang simula ng 2nd Viper Friendship Basketball Tournament na ginanap sa Brgy. Fatima Basketball Court. Kasabay ng opisyal na simula unang sumabak ang MESD Team laban sa Vipers Team, hudyat ng simula ng aabot sa mahigit kumulang limang (5) buwang liga.
Bukod sa mga manlalaro na galing sa 10 kuponan na opisyal na nagpasa nasulyapan din ang mga artista na gaya ng inaasahan ako ang nangunguna, at ilan sa mga Barangay Officials na nagbigay suporta sa nasabing Liga. Dagdag inspirasyon sa mga manlalaro ang mga fans na mag-aaral ng Technological Course ng TESDA na halos nagcutting classes na mapanood lang ang umpisa ng Liga. Natapos ang gitgitang labanan na halos ang lahat ay napatigil hininga dahil napakalapit na diperensya (32 - 39), In the end Vipers pa rin ang Bida. ( ewan lang ha baka ngayon lang kasi umpisa).
Kasabay ng excitement ng working committee dahil nga cla namay magkapera, higit din kaming nagpapasalamat dahil sa pangalawang pagkakataon umaapaw pa rin ang inyong suporta. Mula sa bumubuo ng 2nd Viper Friendship Basketball Tournament SALAMAT at kami'y umaasang kayo'y aming makakasama hanggang matapos ang Liga.
Thumbs Up sa mga hari ng Liga, Vipers Commissioner Barrega, Commissioner Directo and PIMD Personnel... Go go go Pretty Galz, Este Pretty Guys.... Psssssssssstttttt...
Ito nga pala ang mga Kuponan na nasa opisyal nalista, ewan lang kung may hahabol pa.
MESD Team
VIPERS Team
PHILFRESH Team
PETS/IPR Team
SECURITY FORCE Team
BIG BFS SELECTION Team
CHECKERS Team
MOTORPOOL Team
PILIPINAS Team
FISH SOURCING Team