Mula lunes hanggang sabado alam natin na sobsob tayo sa trabaho, ngunit sa tinagal-tagal ng panahon nakilala mo na ba ang ugali ng iyong mga katrabaho? Malamang ang iba sa inyo naunahan na ninyo ang SAMAHANG WALANG KATULAD para bantayan ang mga taong ito, pero teka lang baka ang iba di nyo pa alam ang istilo. Kaya para maging aware lang kayo ibibigay ko ang iba sa mga ito.
Ito nama’y di lang dito, dahil alam ko marami din ito sa ibang kakilala nyo, pero mas maigi nang ibigay ko para maiwasan nyo kung wala ka pa sa ugaling ito. Narito ang iilan sa ugali ng mga kasamahan mo at kasamahan ko.
SERVICE ORIENTED ( mga taong di kalakaw kung walay service) – ito’y ugali ng mga tao na di makatrabaho kung walang service, in short walang sasakyan. Dahil nga multi-task tayo may mga trabaho na sa labas sa ating opisina at kadalasan pagnangyayari ito kaylangan nating magsakripisyo. Pero sa totoo lang may mga tao na di makaalis kung wala ito, sa medyo may lakas ang loob, hala makisakay nalang kayo makasave pa kayo.
KEEN OBSERVER (mga taong himantayon) – ito’y tinatawag sa mga taong tsismosat tsismoso. Mabusisi daw sila umano dahil kahit di nila trabaho sa totoo lang mas kabisado pa nya kesa sa inyo. Ang nakatatawa dahil lahat walang pinapalampas ang mga taong ito dahil pati personal mo pinapakialaman na nito. BABALA: mag-ingat kayo dahil isa sa kanila katabi nyo.
TIME CONCIOUS (oras lang ginabantayan) – ang motto nga mga taong ito ay TIME IS GOLD. Pero sa totoo, ito’y ugali ng mga tao na oras lang ang binabantayan, kung nagtatrabaho nga sila yan ay di ko alam. Ilan sa halimbawa tulad, break time, lunch time, break time uli, tapos wala pang oras ng uwian di mo na makita sa kanyang upuan. ARAY KO ang daming natamaan. Ako sa inyo tanggalan nyo sila ng orasan na madalas nilang matitigan.
HARD WORKING ( lisod patrabahoon) – ito naman ang mga tipong tao na ang hirap utusan, as in lisod gyud kayo! Hard Working as in Lisod patrabahoon. Makalagot ggrrrrrrrrrrrrr. Sa totoo lang, kaya nga sila nautusan kasi medyo busy tayo at tingin natin wala silang trabaho. Kadalasan pag-utusan mo ito sinasagot ka na “ busy po ako”.
WITH PLEASING PERSONALITY ( mga taong palasugo) – Sarap pakinggan kung meron ka nito. Pero dito ito yong mga tipong tao na utos nalang ng utos, kulang nalang isubo mo sa kanya ang lahat. Please dito Please doon, kaya nga with Pleasing personality.
OPEN MINDED (mga taong walay sulod ang ulo)– Madalas makikita ito sa mga meeting dahil nga inaasahan sila na may mga brilliant idea di umano na pwedeng ibahagi sa mga tao. Kaso nga lang dito, ito yong mga tipong tao na naimbitahan na para magshare ng knowledge pero pagdating sa actual wala naman palang maishare dahil OPEN MINDED as in blanko o walang laman ang ulo. Nag kukunwari lang di umano.
OUTSTANDING EMPLOYEE ( mga taong sige lang ug gawas)– Awarding nga naman talaga ang dapat dito. Pero dito, ito yong istilo ng mga tao na laging lumalabas o umaalis sa pwesto. Kung hindi CR patungo inaatupag ang mga konting negosyo. Akala mo lusot kayo, noon pa alam na namin ito.
Sa susunod ulit ha basta may bago hayaan nyo ipapaalam ko sa inyo. Basta wait lang kayo may ishare ako sainyo.