
Kayo bay napasyal na sa bandang Roxas Boulevard sa Manila? Kung hindi pa, Pwess! halika at ipapasyal kita. Dun kasi ang daming paninda na tulad ng ating bida na may tinda din sa tabi lang ng kalsada. Meron kasing bali-balita na itong ating bida ay sobrang suplada at ubod ng maldita. Lahat naman kasi ng di nya magustohan makakatikim talaga ng katarayan nya at di lang un talagang matotodas ka raw kung papatulan mo sya. Baka naman may mali din kayo ha?
Ako namay nag-abala kasi mga talent ko ang ibay napunta na sa kanya, kaya para masiguro na okey sila pinabantayan ko ang mga bawat galaw at kahinaan nya. Medyo palya ako sa una at sa pangalawa, pero ngayon sa wakas nahuli ko din ang kiliti nya. Alam nyo bang kamiy nagulat sa biglaang pagbabago nya? dahil kung noon mataray sya, ngayon hahahahahah! take note may pahatid-hatid na sya, wag mo nang itanong kung san banda basta ang rason nya on the way daw kasi kaya isinakay na nya. Bakit naman di mo yan ginawa noon pa sa iba? Madam ha! nalata ko na!
Itago na natin sila sa pangalang Madam Auring at Archie, dahil tulad nila mas matanda sya keysa sa talent kong medyo swabeh din kung makaporma. Nakakalito bah? Bantayan nyo lang mga clue ha! pareho kasi kaming hari ng kalsada dahil may motor din sya at sa pangalan halos din kamiy magkatugma. Kung alam mo palayaw ko, un pareho na, sa apelyedo naman swak din dahil magkapareha. Kung di mo pa rin nakuha balikan mo ang una kong linya, sa bandang itaas may naka italic diba? yan ang initial nya.... O di ba! kapareha ko lang sya... Kung sino sya? itanong mo sa tabi ko sa opisina dahil ang archie na inspirasyon nya kapamilya lang ng bubuwit kung isa.
Sa lunes ulit ha!!!!!!!!