Monday, July 5, 2010

HULA HULA BIRA... Bwuahahahh

Magandang araw mga kapuso at mga kapamilya... Aanyayahan ko lang kayong maglaro sa tatawagin kong "HULA-HULA BIRADA" ang larong kinalap at nabuo ng tadhana, aliw-aliw lang po kumbaga. Bibigyan ko lang kayo ng mga clue at kayo ng bahalang manghula kung sino ito sila. Basta wag kalimutan lang ha, ang aking laging babala na pagnatapos mong magbasa i share mo naman sa iba, malay mo maunahan ka at ikaw na pala ang hula nya.

Unang Birada: "PROMISE SUSUNOD AKO PAPA"

Itong ating unang BIDA matagal naring naging bulong-bulongan sa dampa. Matapos kasing mawala ang kanyang kasama tila may sagabal na sa kanya. Hindi natin sya masisi baka nga naman super close sila, yun nga bang sabi nilang may mutual understanding kumbaga. Iksian nalang natin ha, total nagbibilang na sya ng mga araw nya, isang araw baka fix na desisyon nya, susunod din sya sa mahal nya. hehehehehehe

Ikalawang Bida:

Itong ating ikalawang BIDA medyo kaduda-duda, kasi naman minsan na syang nangutya sa aming mga kasama. Ang boung akala nila ito na ang huli nilang pagsasama yun pala modus operande na. Motto cguro nya malay mo this time gagana na, as in gagana lang sa umpisa dahil ang totoo puro lang dada ang alam nya. Ang ending kakain din pala nang sarili nyang suka. wahahahhahahah

Ikatlong Bida: "TRY LANG NATIN BKA CLA MABOLA"

Karamihan sa atin may minamahal diba? pano kung ang mahal mo minsan ng may mahal na iba? lalaban ka pa ba? ang tanong ko nalang mamili ka sa dalawa "GUGMA O KWARTA" as in "LOVE O CARREER bah?" Promise bibigyan kita ng trabaho pra hindi tayo mahalata. huhuhuhuhu mantakin mo ba naman LOVE ang pinili nya. Kung sino sya? basta may kapatid pa syang natira....

Ikaapat na Bida: "PARE NA, KUMADRE PA"

Ito namang isa sinusunod nga naman nila dahil sa kung titignan mo sya katakot-takot naman talaga. Kaya lang akoy napatawa ng sinabihan ako ng isa sa mga kasama niya na abah! mukhang may kilos syang kakaiba. Pano naman kasi ginulat mo sya, diba diba pare kumusta lang sapat na? Bat mo naman kasi niyakap pa? un tuloy bigla kang nahalata. Kung sino sya? Mahalata mo talagang sya pagnarinig mo boses nya. hahahahhahahah

Ikalimang Bida: "LQ ANG DRAMA"

Minsan na kaming ngduda kasi naman lagi silang magkasama. Pero wag ka ha dahil nasasalisihan din ang aking bubuwit ha nang biglang nawala nalang bigla ang isa. Ok na sana, kaso nahuli sila ng mall ng paparazzi na muli na naman silang magkasama kung saan? sa Robinson pa. At ito pa ha! Hala ka! bakit gamit pangkusina ang pinamimili nila? Sa madali bang salita nauna na nilang nabili ang pangkama? as in kamasutra? bwahahahahahahhah


Cge ito lang muna... Hanggang sa susunod basta promise papalapit na, papalapit nang mabuking ang tinatago nila. Mwuah mwuah mwuah.....