Sa tagal ng aming samahan sa SAMAHANG WALANG KATULAD, medyo marami-rami narin ang aming naalyasan ng hindi nila alam. Ito’y masamain man ng ilan total hindi naman nila alam. Pero para mabigyan lang kayo ng clue para inyong maiwasan, ibibigay ko ang ilan sa mga word na dapat nyong pakaingatan pagkami ang inyong makabanggaan. Kayo ha! di naman sa awayan kundi sa kwentohan. Sarap kasing pag-usapan ang mga taong ganyan lalo nat di nila alam na sila na pala ang pulutan.
Babala ko lang ha! Pagnarinig mo ito sa aking kasamahan baka ikaw na ay kanilang napagtripan. Kaya pagnarinig nyo ito mabuti pay magbibingi-bingihan ka nalang para kunwari di ka tinamaan.
JOLIBEE – ito’y tinatawag sa taong may katabaan, bahala na kayong mag-isip kung sino ang sumobra o kinulang basta pag ikay nakakitaan buntot nalang sayo ang kulang.
MAY or MEY– ito’y ginagamit para pag-usapan ang mga lalaking alanganin ang kataohan, para di maintindihan madalas itong itinatapat sa kasalukuyang buwan. Siguro matanong mo kung ilan dito ang matamaan? Basta bantayan nyo ang yong kasamahan pagbinasa nya to at di man lang magustohan malamang isa na sya dyan. Basta bilang ko dito ha meron ng siyam kasali na fishport at cabe dyan, tandaan mo ha alanganin pa yan.
LENKA – sa totoong buhay singer naman talaga ito sya, sa katunayan ang awit nyang Trouble is a Friend ay isa sa aking nagustuhan. Pero dito sa amin, pagnawala ka sa katinoan at pagkausap ka na ang isip mo’y kung saan-saan, isa ka na sa may ganitong pangalan. Tanong mo kung ilan na ang may nagmamay-ari nito dito na aking matandaan? Tatlo pa lang. Smile ka nalang para kunwari di ka napabilang.
ABAKADA – ito’y isinasagot mismo sa taong di maintindihan ang pinag-uusapan, kagaya nalang nang sa hinaba-haba ng inyong usapan bigla nalang syang maiwan or tinatanong mo sya at malayo naman ang kasagotan.
HUGE WAVE OF ZOMBIES – ito’y tinatawag sa mga taong mahilig maglakad ng medyo maramihan, tatlo o mahigit pa dyan pwede ng pang-alyas sa inyong paparating na samahan. Ang masakit, dahil madalas ang taong mapabilang sa ganyang samahan, ay pinagkaitan ng panahon o simumpa ang mga itsura nyan. In short mga PANGIT.
POKS or POKER – ito’y tinatawag sa taong di kakitaan ng kagandahan o kagwapohan, ito rin ang mga taong feelingon habang naglalakad sa daan. Kami may inyong makabanggaan deadma ka lang kung gusto mong maalyasan. Madalas itong mabanggit sa mga taong sa amin dumadaan, na halos gawing salamin na ang aming harapan. Kaya kung ikay dadaan sa aming office iwasan mo nalang tumingin sa salamin baka ikaw pay maalyasan.
So, kung wala ka sa listahan malamang dito isa kana sa may tatak na ang pangalan. Kayo ng bahala kung saan mo pweding itanong, makumpirma lang na safe ka sa aming samahan.
Dial tone
Insert Queen
Flock Master
LBC Hari ng Padala
Carton Network
Krong-krong
Big Utol
Dubai
Casper
Mr. Bean
Oprah
Wag seryosohin stress-out lang po, aliw-aliw lang Ma’am este aliw aliw lang man yan. Yaan nyo dito sa amin meron din kaming alyas na para sa aming samahan. Kung trip mong malaman, join ka nalang, I’m sure ikaw lang ang pagtawanan.