Malamang ito’y nakakatuwa marahil isa dito ay matatamaan ka, pero okey lang kasi matapos mo itong basahin makakaasa ka na hindi lang ikaw ang mag-aabang at mag-umpisahang magbantay sa iyong mga kasama. Sa tagal-tagal ba naman nating magkasama malamang kilala na natin ang isat-isa. Hindi man sa kaloob-looban nya kahit sa galaw man lang mababasa mo na.
Kaya narito ang ilan sa mga palatandaan upang malaman kung ang iyong kaopisina ay nagtatrabaho pa o hindi na. Bantayan ang bawat galaw dahil isa dito katabi mo lang sya.
1. NAKASMILE SYA
– ito yong mga tipong taong smile nalang or tawa nalang ng tawa kahit wala ka namang makitang kaharap nya. Alam mo ba kung anong ginagawa nya? May kachat yan syang wlang kwenta, malamang nasa ibang bansa o kaibigan naya. Try mong kausapin im sure madedeadma ka.
2. SERYOSO SA SCREEN
– ito naman sila ang mga taong mahilig mangutya sa iba dahil malamang takot sila na maunahan mo sya. Alam mo na kung anong ginagawa nila? Ang totoo nyan, nagbrowse lang yan siya at may hinahanap pa na hindi nya makita for sure walang kinalaman sa trabahong opisina. Wag mo nang distorbohin kasi baka ikaw pa ang may sala pagnalito sya.
3. IDLE OR NOT AT MY DESK NASA HARAP LANG PALA
– ito naman ang mga taong kunwari may mga transaction sa iba or saan-saan nagpupunta kaya status nila idle kumbaga. Pano kasi madali din naman tayong madaya pag hindi natin sila makikita. Alam mo ba kung anong ginagawa nila? Itext mo sya siguradong marereplayan ka nya dahil ang hawak nya cellphone pala at nasa harap lang sya ng computer nya.
4. BITBIT ANG DRAMA
– ito naman sila ang mga tipong taong busy talaga kasi naman kesyo trabaho nila cross functional kumbaga. Sa lahat ng pagkakataon may props silang laging dala-dala. Kung hindi man folder, requisition, job order or kung ano-ano pa. Alam mo ba kung anong pakay nila? Bibisita lang yan sa ibang opisina dahil makikipagkwentuhan lang yan at managap ng bagong balita. Yan ang mga taong tsismoso at tsismosa.
5. U.T.I ANG DRAMA LALABAS LANG PALA
– ito naman sila ang mga taong kunwaring may nararamdaman nang masama, dahil di umano may U.T.I sila, lalaki at babae pasok kayo kung sa CR ang scape goat nyo kumbaga. Alam mo ba kung ano ang totoong dahilan nya? Wala na syang magawa sa table nya magbabakasakali nalang na mapansin siya ng kaibigan habang palakad-lakad sya, o diba pagkatapos nun tsismis na.
Oh ano? smile ka pa? tamaan ka sa lima? paghindi ka nakatawa im sure sapol ka? Kung itatanong mo kung san ako banda, antayin mo sa sunod malamang ang headline ay ako na. So pano yan ibalita mo ha kung sinong may ganyan din ang drama. Share mo narin baka maunahan ka nya para kunwari inosente ka...