Thursday, July 15, 2010

"BEERDAY KO PALA"

Matapos ang isa na namang taon sa aking buhay na pwedeng  pangpelikula, hindi ko lubos maisip na medyo may kalaliman narin pala ang aming pagkakasama.  Sabi ko nga sa huli kong blog na sanay inyong nabasa, baka sa susunod ang headline ay ako na.  At dahil nga birhtday ko kahapon ako ang naatasang magbasa sa mga kumento nila.  Bago ko sagutin ang mga naisulat nila, ano nga ba at sino si PROFESSOR X sa mata ng kanyang tunay na kapamilya?  Sa ngayon ako ang inyong tagapagpakilala.
 Laki sa isang mahirap na pamilya, na minsay naging huwaran ng iba at sa kasamaang palad ay pinaghiwalay sila ng tadhana. 
(Sa farm sa Kiamba)

Bunso sa dalawang magkapatid at ngayo'y tiyuhin nang dalawang pamangkin nya, na sa kanya nama'y todo ang suporta.
(Jhun2 & Nash Bariguez)

Laki sa kumplekadong kultura, dahil sa dami at laki narin ng kapamilya na ngayon ay halos endangered species na.  Hubog ang ugaling palaban mula sa kanyang ina
(My Mama: Lolita Garcia Caliza)

at pagiging emosyonal sa ama.
 (My Papa: Francisco Baliton Bacani)

Nagtapos ng kursong abugasya, este pangteknolohiya (Computer Technology) at business administration (BSBA Management) pala, sa MSU-Gensan at naging Presidente ng Supreme Student Council (SSC) sa huling taong pananatili sa paaralan nya.
 
(Supreme Student Council - Presidential Table)

Naging aktibo sa mga panloob at panlabas na aktibidades ng iskol na pati ang programa ng ibang bansa tulad ng Amerika ay hamak na pinasok na.
(TOSP Kuya Nald & Ate Pamela with Rebekah Drame Cultural Attache of US of America-Phil)

Minsan ding tinuligsa at inintriga  ngunit bou at nakatayo parin sa sariling paa dahil sa tibay ng prinsipyo nya.
Maituturing nyang tagumpay ang pananatili sa isang kumpanya dahil sa minsang nyang napatunayan ang haba ng kanyang pasensya.

Sino ba namang mag-aakala na sa dinami-dami ng mga taong makaharap at dapat pakisamahan, nanatili syang tapat, mapagkaibigan, matulungin, at mabait sa kanyang mga kasama. Habang naging strikto at supdalo naman ang imahe, sa mga taong hindi lubos ang kanilang pagkakakilala at sa mga taong alam ang tunay na dahilan kung bakit ganyan sya.  Sa blog na ito http://logisticsdivision.blogspot.com/2010/07/ang-bidang-kontrabida-professor-x.html  inyong mababasa ang mga kumento nila at sa katunayan para masigurong wlang edit ang nangyari narito ang original na kopya.

Sa aking mga kasama, akoy lubos na nagpapasalamat sa walang sawang suporta, walang katapusang batian at panggising na tawagan, regalong umaapaw,

at meryendang sana'y may dagdag pa.  Kayo'y makakaasa na ang inyong mga kumento at pagkakakila ay maging paala-ala sa akin na akoy isang tunay na tao na pala. Bwahahahhahh.

Sanay akoy inyong masamahan sa ating walang sawang "SAMAHANG WALANG KATULAD" at makakaasa kayong ako ang matitira nyong kakampi at kasamahan sa panahong inakala nyong kayo'y napagkaisahan ng iba. Sa mga taong minsang sinubukan ang aking kakayahan at kahinaan, itoy lagi nyong tandaan.  Si Professor X ang tipong taong dalawa lang ang kinatatakutan, ang PANGINOON na sa kanya'y nagbawal pumatay at ang SARILI  NYA mismo, na handang pumatay.

Sa mga bumati tulad nina, Mama, Papa, Ate, Kuya, Tata, Renz, Jhun, Nash, Ante at Uncles, Kaopisina na sina Rudy, Donald, Love-love, Kharol, Arvin, Robar, Richard, Pareng Pery, Ronald, Joefer, Shane, Ate Net, Yakim, Tuling, Eric, Bombo, at Joemar.  Kabrob at Katropa sa Fraternity at iba pa. Ka Berks at mga Amiga, mga taong sekrito at bulgaria.   Kay Double R, Jazz, Kelly at iba pa saan man kayo nagmula maging sa ibang bansa.  Ano man ang tawag nyo sa kanya..... Suma total mabait parin siya ngayon palang maniwala ka na.
 
(Professor X this Year)

(Professor X Last Year)
SALAMAT HAH  !!!!!!!!!  at bilang pangwakas narito ang ilan sa mga kuha ng camera isang taon ang nakalipas sa parehong selebrasyon kasama parin ang SAMAHANG WALANG KATULAD.