Dahil sa inyong walang sawang pagbabasa at umaapaw na suporta, LADY GAGA ibubunyag na. Isang linggo makalipas matapos kong naitanong sa ating pool kung sino nga ba ang gusto nyong ireveal sa ating hula?
Alam nyo ba na itong ating BIDA na itatago natin sa pangalang LADY GAGA ay matagal ng usap-usapan sa kanyang mga kakilala. Paano ba naman kasi kahit di na sakop ng trabaho nya pinapakialaman pa daw nya, mantakin mo ba naman pati ang personal mong mga pinagkakaabala inaalam daw nya! at di lang daw sya dahil may uutusan sya na pababantayan ka. Patay! disgrasya ka talaga. Kung inyong matatandaan lahat ng mga naunang kasamahan nya isa-isa nang nawawala, at may dumating nga naman sumunod naman ang dalawa. Tsk Tsk Tsk nakakabahala na. Hindi kaya may problema talaga sa pag-uugali nya? pati ba naman pakikipagkwentohan ng kasamahan nya bawal na sa kanya, baka daw usapan nila sa kanya pa mapunta! bagay nga naman dahil kapuna-puna sya.
Isa sa aking kakilala muntik ng mapunta sa opisina, at dahil nga malapit ako sa kanya ,inilatag ko ang mga good side at bad side nya. Di naman ako unfair dahil lahat ng aking pagkakakila nasabi ko na. Sa huli nasabi ko rin na buti nalang nailayo ko ang aking kaibigan sa disgrasya. Medyo may kalitohan pa dahil pati mga frendz nya medyo hilong-hilong na sa kanya, patay uli disgrasya. Alam mo ba kung anong dahilan nila? pagkinakausap mo daw sya ang daming nyang mga ratsada sabay sambit ng kung ano-anong code na galing sa bibliya. Hahay nakakahilo talaga.
Mahahalata mo daw sya pagkinakausap mo sya, dahil nag-iiba ang kanyang itsura, na yung tipong seryoso na daw kumbaga. Try mo syang tawagan, tiyak matatagalan kayo dahil lahat ng mga kung ano-ano isasagot sayo. Akala ko ba ligtas ka kung kasama mo sya, kasi daw sabi nya ilalayo kita sa disgrasya, yon pala tabihan mo lang sya disgraya na.
Sino ba talaga si LADY GAGA na tinatawag nila? Don't tell me di mo pa sya kilala? Don't call my name Ale-Alejandra, dahil ang code name nya, sikat din na kumakanta, na mag-isang taon nang mag-aanibersaryo sa araw ng pagkamatay nya. Kung di mo pa makuha, magpakadisgraya ka na, dahil tiyak sa kanya ka rin mapunta. Ingat lang ha! dahil kamakailan may inaway daw sya na isa.
Salamat ha!!!!