Sunday, August 8, 2010

"YOU'RE HIRED!! If you have this behavior"

Mula lunes hanggang sabado alam natin na sobsob tayo sa trabaho, ngunit sa tinagal-tagal ng panahon nakilala mo na ba ang ugali ng iyong mga katrabaho? Malamang ang iba sa inyo naunahan na ninyo ang SAMAHANG WALANG KATULAD para bantayan ang mga taong ito, pero teka lang baka ang iba di nyo pa alam ang istilo. Kaya para maging aware lang kayo ibibigay ko ang iba sa mga ito.

Ito nama’y di lang dito, dahil alam ko marami din ito sa ibang kakilala nyo, pero mas maigi nang ibigay ko para maiwasan nyo kung wala ka pa sa ugaling ito. Narito ang iilan sa ugali ng mga kasamahan mo at kasamahan ko.

SERVICE ORIENTED ( mga taong di kalakaw kung walay service) – ito’y ugali ng mga tao na di makatrabaho kung walang service, in short walang sasakyan. Dahil nga multi-task tayo may mga trabaho na sa labas sa ating opisina at kadalasan pagnangyayari ito kaylangan nating magsakripisyo. Pero sa totoo lang may mga tao na di makaalis kung wala ito, sa medyo may lakas ang loob, hala makisakay nalang kayo makasave pa kayo.

KEEN OBSERVER (mga taong himantayon) – ito’y tinatawag sa mga taong tsismosat tsismoso. Mabusisi daw sila umano dahil kahit di nila trabaho sa totoo lang mas kabisado pa nya kesa sa inyo. Ang nakatatawa dahil lahat walang pinapalampas ang mga taong ito dahil pati personal mo pinapakialaman na nito. BABALA: mag-ingat kayo dahil isa sa kanila katabi nyo.

TIME CONCIOUS (oras lang ginabantayan) – ang motto nga mga taong ito ay TIME IS GOLD. Pero sa totoo, ito’y ugali ng mga tao na oras lang ang binabantayan, kung nagtatrabaho nga sila yan ay di ko alam. Ilan sa halimbawa tulad, break time, lunch time, break time uli, tapos wala pang oras ng uwian di mo na makita sa kanyang upuan. ARAY KO ang daming natamaan. Ako sa inyo tanggalan nyo sila ng orasan na madalas nilang matitigan.

HARD WORKING ( lisod patrabahoon) – ito naman ang mga tipong tao na ang hirap utusan, as in lisod gyud kayo! Hard Working as in Lisod patrabahoon. Makalagot ggrrrrrrrrrrrrr. Sa totoo lang, kaya nga sila nautusan kasi medyo busy tayo at tingin natin wala silang trabaho. Kadalasan pag-utusan mo ito sinasagot ka na “ busy po ako”.

WITH PLEASING PERSONALITY ( mga taong palasugo) – Sarap pakinggan kung meron ka nito. Pero dito ito yong mga tipong tao na utos nalang ng utos, kulang nalang isubo mo sa kanya ang lahat. Please dito Please doon, kaya nga with Pleasing personality.

OPEN MINDED (mga taong walay sulod ang ulo)– Madalas makikita ito sa mga meeting dahil nga inaasahan sila na may mga brilliant idea di umano na pwedeng ibahagi sa mga tao. Kaso nga lang dito, ito yong mga tipong tao na naimbitahan na para magshare ng knowledge pero pagdating sa actual wala naman palang maishare dahil OPEN MINDED as in blanko o walang laman ang ulo. Nag kukunwari lang di umano.

OUTSTANDING EMPLOYEE ( mga taong sige lang ug gawas)– Awarding nga naman talaga ang dapat dito. Pero dito, ito yong istilo ng mga tao na laging lumalabas o umaalis sa pwesto. Kung hindi CR patungo inaatupag ang mga konting negosyo. Akala mo lusot kayo, noon pa alam na namin ito.

Sa susunod ulit ha basta may bago hayaan nyo ipapaalam ko sa inyo. Basta wait lang kayo may ishare ako sainyo.

Wednesday, August 4, 2010

"THANK YOU, but i'll be forever missing you"

It has been three years then since I met GIBSON my ever dearest friend. Wherever I go, whatever I do, GIBSON is the closest friend of mine who knows everything and anything that happened to me. I loved him second to Professor X and even treated him as Kaberks, Kabarkada, Kakosa, Kaibigan, Kakampi, Kabalikat, Kapatid, Kapuso, at higit sa lahat Kapamilya. More than anything else he’s always with me anywhere I go, to give me comfort and convenience.

Just a month ago I met LC, through the help of my friend Donald finally nakuha ko syang buong-buo. Mahigit kay GIBSON si LC naman ay mas kasama ko kahit saan ako at karamay ko kung kaylangan ko kayo. He’s very expressive, romantic, loving, at higit sa lahat he has the human touch na kahit saan at kahit kelan sa pamamagitan nya naipapaabot nya sa akin ang inyong mga hinaing at kaylangan.

It never came to my mind that one of this days I might be losing one of them, but the mere fact that were just all passing through, ngayon pa lang handa na akong sino man sa kanila ang unang mawala sa akin.

Last night, while my friend and I talking about what’s in and what’s out, while waiting for the heavy rain to stop nawala ang concentration ko kay LC na umabot sa puntong napabayaan ko sya. Lingid sa aking inaasahan si LC naman kasi ang dahilan kung bakit akoy inyong makausap kung kinakailangan, ang hindi ko inisip ni minsan na pag syay aking nakaligtaan ni konting boses nya ay hinding-hindi ko na mapakinggan. Sya man ang paraan sa ating kwentohan, sya rin ang tipong di marunong humingi na tulong kung syay nangangailangan.

I never shed a tear of losing my LC because I know GIBSON is still there for me. Sa inyong dalawa salamat. Kay LC naman saan ka man ngayon sanay minsan maalala mo ako at magparamdam ka. Thanks for the very short time that you shared with me and GIBSON. I promise who ever comes from your clan, I will love and take good care as much as I can do para hindi na maulit ang pagkukulang ko.

Kung sino man si GIBSON? Siya ang aking Motorsiklo na Blue na Kapatid ni MEL na motorsiklo ko na pula. Si LC naman, sya ang nagmamay-ari ng upuang nasa taas ng aking Office Table. Kung gusto nyong malaman halika sa kanyang upuan. SALAMAT LC AT PAALAM......

Wednesday, July 28, 2010

"WHAT’S THE WORD, WATCH THE WORD"

Sa tagal ng aming samahan sa SAMAHANG WALANG KATULAD, medyo marami-rami narin ang aming naalyasan ng hindi nila alam. Ito’y masamain man ng ilan total hindi naman nila alam. Pero para mabigyan lang kayo ng clue para inyong maiwasan, ibibigay ko ang ilan sa mga word na dapat nyong pakaingatan pagkami ang inyong makabanggaan. Kayo ha! di naman sa awayan kundi sa kwentohan. Sarap kasing pag-usapan ang mga taong ganyan lalo nat di nila alam na sila na pala ang pulutan.

Babala ko lang ha! Pagnarinig mo ito sa aking kasamahan baka ikaw na ay kanilang napagtripan. Kaya pagnarinig nyo ito mabuti pay magbibingi-bingihan ka nalang para kunwari di ka tinamaan.

JOLIBEE – ito’y tinatawag sa taong may katabaan, bahala na kayong mag-isip kung sino ang sumobra o kinulang basta pag ikay nakakitaan buntot nalang sayo ang kulang.

MAY or MEY– ito’y ginagamit para pag-usapan ang mga lalaking alanganin ang kataohan, para di maintindihan madalas itong itinatapat sa kasalukuyang buwan. Siguro matanong mo kung ilan dito ang matamaan? Basta bantayan nyo ang yong kasamahan pagbinasa nya to at di man lang magustohan malamang isa na sya dyan. Basta bilang ko dito ha meron ng siyam kasali na fishport at cabe dyan, tandaan mo ha alanganin pa yan.

LENKA – sa totoong buhay singer naman talaga ito sya, sa katunayan ang awit nyang Trouble is a Friend ay isa sa aking nagustuhan. Pero dito sa amin, pagnawala ka sa katinoan at pagkausap ka na ang isip mo’y kung saan-saan, isa ka na sa may ganitong pangalan. Tanong mo kung ilan na ang may nagmamay-ari nito dito na aking matandaan? Tatlo pa lang. Smile ka nalang para kunwari di ka napabilang.

ABAKADA – ito’y isinasagot mismo sa taong di maintindihan ang pinag-uusapan, kagaya nalang nang sa hinaba-haba ng inyong usapan bigla nalang syang maiwan or tinatanong mo sya at malayo naman ang kasagotan.

HUGE WAVE OF ZOMBIES
– ito’y tinatawag sa mga taong mahilig maglakad ng medyo maramihan, tatlo o mahigit pa dyan pwede ng pang-alyas sa inyong paparating na samahan. Ang masakit, dahil madalas ang taong mapabilang sa ganyang samahan, ay pinagkaitan ng panahon o simumpa ang mga itsura nyan. In short mga PANGIT.

POKS or POKER – ito’y tinatawag sa taong di kakitaan ng kagandahan o kagwapohan, ito rin ang mga taong feelingon habang naglalakad sa daan. Kami may inyong makabanggaan deadma ka lang kung gusto mong maalyasan. Madalas itong mabanggit sa mga taong sa amin dumadaan, na halos gawing salamin na ang aming harapan. Kaya kung ikay dadaan sa aming office iwasan mo nalang tumingin sa salamin baka ikaw pay maalyasan.


So, kung wala ka sa listahan malamang dito isa kana sa may tatak na ang pangalan. Kayo ng bahala kung saan mo pweding itanong, makumpirma lang na safe ka sa aming samahan.

Dial tone
Insert Queen
Flock Master
LBC Hari ng Padala
Carton Network
Krong-krong
Big Utol
Dubai
Casper
Mr. Bean
Oprah

Wag seryosohin stress-out lang po, aliw-aliw lang Ma’am este aliw aliw lang man yan. Yaan nyo dito sa amin meron din kaming alyas na para sa aming samahan. Kung trip mong malaman, join ka nalang, I’m sure ikaw lang ang pagtawanan.

Sunday, July 25, 2010

"WELCOME KARMA"

Lunes na naman pala, at sa totoo lang ang dami pa sanang nakapila para mabulgar ang sekreto ni Victioria, as in Bulgaria of Victoria Secret. Pero ngayon palang ihahain ko na, bago pa lumamig ang aking paninda, este ang aking hula balita.

Ang tao nga naman pagpera na ang pinag-usapan hahamakin ang lahat makautang lamang. Alam mo ba ang katagang “Utang lipay-lipay, Bayad likay-likay”? Dito iikot ang ating bida ngayong araw. At alam mo ba na pagtayo’y nangutang gagawin natin lahat para lang mabayaran? Of course naman, sino ba namang ayaw mabayaran ang sariling utang? Eh! pano kung ang akala mong binayad sayong utang sinalisihan ka pala ng iyong inaasahan? Patay kang bata ka.

Narito ang totong istorya, nung nakalipas na linggo nagtaka ang ating unang bida sa “Ako ang nagpasimuno” dahil bigla nalang daw syang siningil ng P8,000.00 ng itatago natin sa pangalang MG as in MGTEEARE. Shocking naman daw sya dahil matagal na daw nyang nabayaran kay Kumadrona. Kumadrona ha! asan na ang pera baka nasa matrikula na? Hindi lang ito dahil nadagdagan pa ng isa, minsan na kasing umutang din ang ating hari ng dagat sa kanila. Tatlong libo daw ang pinakuha, dahil nga utang binayaran naman daw pagbalik nila, Sobra na nga ang bayad nila kasi binigyan sya ng pabuya ginawang P3,500.00, ang akala nilang bayad na naisahan pala sila. Patay na talaga.

Isa-isang ipinapaliwanag ng mga may hawak sa kanya para umanoy malaman kung saan napunta ang pera, mantakin mo ba naman sinagot ba sila na “wala akong dapat i explain” wala wala dahil wala na. hahahahahah. Taray! ang taray nya pala sing taray ng kanyang bunganga. Minsan na rin ako nitong tinira dahil ang biro ko sineryoso nya, rason nya kasi, pag sya nauna bawal ang tawa at ang dahilan ang walang katapusang pera. Kaya bago pa man dumating ang aking sweet revenge ito na, WELCOME KARMA. Try mo daw syang patulan ibubuking ka daw nya, pano yan sya pala ang may nakatagong Victoria, Victoria ba talaga o Bulagria na?

Medyo nakakabahala na ha, dahil ang pera na hawak nya di lang pala pagmamay-ari ng isa. Ang tanong ko tuloy ikaw ba isa sa biktima nya o ibibiktima pa nya? Sigurado ba kayong pera lang ang pakay nya, ang pimples nya nabilang nyo ba? Pimples prof X? nakakalito ha, cge na nga ang bugas bah!. Kaya kung akala moy malaki na ang iyong kita, wag ka dahil ngayon pa lang kita na ang ebidensya.

Kung sino sya? Magkano ka at presyohan ka nya dahil sanay sya sa tinda.

Wednesday, July 21, 2010

"IF YOU WAN'T WAR THEN WELL GIVE YOU WAR"


Matapos makatanggap ng banta ang SAMAHANG WALANG KATULAD, mabilis na inaksyonan ng aming kasamahan ang paghahanda sa pakikipaglaban.
SWK Warriors

Kamakailan ay binulabog ng intriga ang SWK (Samahang Walang Katulad) dahil sa tindi ng aming pinagsamahan.  Bulabog na bawat galaw at activity namin ay halos inalam na ng iilan gamit ang kanilang kaibigan para lang kamiy matiktikan.  Sa dalas ng aming gimikan, minsan umabot pa sa punto na halos kamiy pinabuntotan.
Sa kagustohan naming aming malabanan ang kalaban, mabilis naming tinawagan ang Salazar Compound na kung saan ginaganap ang pagpraktis ng Black Water AirSoft War, booking agad kami ng oras, at itinakda ang araw ng linggo para walang trabaho.
(The Masters Giving their Instruction)
(On the Go na si Joefer)












 


Hindi lang yan dahil nakita nyo yang mga service dyan?
( hired doctors on cue )
Yan ang service ng mga doctor na aming binayaran para kami’y bantayan sakaling may paunang masugatan. Kung sino yan sila? wag mo nang alamin basta mahal ang bayad namin sa kanila. 
( Briefing while Drinking)
Dumaan muna ang grupo sa JMIX  Bar para may konting tagayan bago pa man ang bakbakan, para diba pagmedyo twighlight kana sarap maghanap ng kalaban? At isipin mo nalang ang pakikipagbakbakan.

( Joefer showing his gunshoot wound )
Medyo alangan ang aking mga kasamahan dahil masakit daw talaga ang masugatan,










( Pierre gunshoot )

















Ang ginawa ng ilan, nagtago nalang ng tago na halos wala ng labasan, 

kuhang-kuha naman sa larawan kung sino ang ngproject nalang.



























Pero ng isinigaw na ng kumander na “Isipin nyong sila ang inyong kalaban” mabilis uminit ang mga paa ng mga naisalang.













Natapos ang labanan na walang panalo at walang talonan dahil ang lahat ay tinamaan.  Naging maayos ang lahat, at sorry ha di ko maipakita lahat ng istilo kasi reserve nalang daw sa aming mga makakalaban.

Ang tanong tuloy ng iilan, bakit? mahirap ba kaya silang pakisamahan? Kasi daw ang dahilan, gusto lang pala nilang mapabilang. Yon naman pala.  Ang sagot namin hindi, basta wala lang mag-inarte at maraming ka ek-ekan.  Dahil sa SWK ang taong ganyan ay walang puwang.
Pero teka teka lang, saan nga ba ang iba nyong kasamahan?   
Ang hindi nyo nakita sa larawan, sila ang mga taong may kalaban na dapat bantayan ng aming kasamahan.  So kung kaya nyong silang labanan, sige pwede nyo silang subukan at ituloy ang LABAN kung hindi  magCeasefire ka nalang ngayon pa lang.  Try mo kaming subukan tandaan mo, ito na ang huli mong laban...

Tuesday, July 20, 2010

"CHARITY IN SHAYNE"

Ano nga ba ang kahulugan ng kasama kung sa kaarawan mo ay makakalimutan ka? Di ba walang kwenta?  Dito kasi sa amin sa "SAMAHANG WALANG KATULAD" lahat ng naiiba ay andito na.  Tulad na lang ng pamangkin ni LENKA! kilala mo ba sya? Yon bang kumanta ng "Trouble is a Friend",  Kung hindi ito aking ipapakilala dahil ngayon as in ngayon ang birthday nya.  Siya si HAZEL SHAYNE PANAGUITON ang talent kong naiiba.
(HAZEL SHAYNE PANAGUITON sa harap ng camera)

College pa lang, kami'y magkakakilala na, dahil bukod sa classmate ko siya, kaibigan din sya ng kaibigan  kong iba, in short hindi kami madalas magkasama kasi block section sila ako namay paiba-iba.  Noon pa man kakitaan na sya ng kakaiba dahil magtataka ka na ang akala mo'y di nya makaya matapos din nya pala.  Tulad nalang ng reporting sa klase, sa boung reporting nya nanginginig sya pero carry lang daw sabi nya.  Kaya hanggang dito dala-dala nya.  Buwan ng Hunyo ng tinawagan ko sya kung gusto ba nyang magtrabaho dito, ang gusto kung marinig na sagot nya oo at hindi lang, alam mo ba anong sinagot nya? itatanong ko muna kay papa at sabay tawa.  Hayyyyyy Trouble is a Friend talaga.
(Nakasmile na ang iba si Shayne ewan kung anong nasa isip nya)

Minsan na namin syang binansagang LENKA dahil nga pagkinakausap mo sya bigla nalang matawa na wala naman sa pinag-uusapan nyo ang dahilan nya, o kung magkwento man sya, nauna na syang magtawa bago pa matapos ang di umanoy kwento nyang nakakatawa.  Ang hirap intindihin ang tulad nya, kaya kung makaharap mo sya ito lang itanong mo sa kanya "Shayne are you with me?" sa tanong na yan masasagot ka nya.  At sa pagpursige namin na kahit pano mabago ang ugali nya narito ang mga wish ng aming mga kasama.
(Pose na kami tingnan nyo saan nakatingin mata nya?)

Donita - Happy Birthday Shayne, I wish you all the best! (Kung sino si Donita malamang di nyo kilala, basta yan ang sinulat nya.)

Arvz - Happy Birthday, We wish you Luck in Best ( Luck in Best? ito rin isa nakakalito din tulad nya)

Carl - Happy Birthday more blessings and birthdays in life and boy friend hehehehhe... ( kung single lang si calos pwede na)

Lovelz - Heypi BeeDay, Sana magmature na ka, God Bless you always...( tama nga naman kasi kung hindi pa i armature na gyud ka)

Kharol - Wishing you to have Boy Friend this Month. ( may 11 days ka pa para matupad yang pangarap nya shayne, kung wla yong bayaw nya pwede na si RAP-RAP)

(SHAYNE and CHAR-CHAR CHARITY)

Bakit nga ba CHARITY IN SHAYNE? Dahil ang bear na hawak nya sya si Charity na bigay ng kanyang Kuya as in KUYA RUDY nya.  Nakakalito pa rin diba? bakit nga ba kuya? magkapatid ba sila? Friends nahawa kana... TROUBLE IS A FRIEND si LENKA diba.....

Sunday, July 18, 2010

"LADY GAGA sa loob ng CITRAMINA"

Dahil sa inyong walang sawang pagbabasa at umaapaw na suporta, LADY GAGA ibubunyag na.  Isang linggo makalipas matapos kong naitanong sa ating pool kung sino nga ba ang gusto nyong ireveal sa ating hula?

Alam nyo ba na itong ating BIDA na itatago natin sa pangalang LADY GAGA ay matagal ng usap-usapan sa kanyang mga kakilala.  Paano ba naman kasi kahit di na sakop ng trabaho nya pinapakialaman  pa daw nya, mantakin mo ba naman pati ang personal mong mga pinagkakaabala inaalam daw nya! at di lang daw sya dahil may uutusan sya na pababantayan ka. Patay! disgrasya ka talaga. Kung inyong matatandaan lahat ng mga naunang kasamahan nya isa-isa nang nawawala, at may dumating nga naman sumunod naman ang dalawa. Tsk Tsk Tsk nakakabahala na.  Hindi kaya may problema talaga sa pag-uugali nya? pati ba naman pakikipagkwentohan ng kasamahan nya bawal na sa kanya, baka daw usapan nila sa kanya pa mapunta! bagay nga naman dahil kapuna-puna sya.
Isa sa aking kakilala muntik ng mapunta sa opisina, at dahil nga malapit ako sa kanya ,inilatag ko ang mga good side at bad side nya.  Di naman ako unfair dahil lahat ng aking pagkakakila nasabi ko na.   Sa huli nasabi ko rin na buti nalang nailayo ko ang aking kaibigan sa disgrasya.  Medyo may kalitohan pa dahil pati mga frendz nya medyo hilong-hilong na sa kanya, patay uli disgrasya.  Alam mo ba kung anong dahilan nila? pagkinakausap mo daw sya ang daming nyang mga ratsada sabay sambit ng kung ano-anong code na galing sa bibliya. Hahay nakakahilo talaga. 

Mahahalata mo daw sya pagkinakausap mo sya, dahil nag-iiba ang kanyang itsura, na yung tipong seryoso na daw kumbaga.  Try mo syang tawagan, tiyak matatagalan kayo dahil lahat ng mga kung ano-ano isasagot sayo. Akala ko ba ligtas ka kung kasama mo sya, kasi daw sabi nya ilalayo kita sa disgrasya, yon pala tabihan mo lang sya disgraya na.

Sino ba talaga si LADY GAGA na tinatawag nila? Don't tell me di mo pa sya kilala?  Don't call my name Ale-Alejandra, dahil ang code name nya, sikat din na kumakanta, na mag-isang taon nang mag-aanibersaryo sa araw ng pagkamatay nya. Kung di mo pa makuha, magpakadisgraya ka na, dahil  tiyak sa kanya ka rin mapunta. Ingat lang ha! dahil kamakailan may inaway daw sya na isa.

Salamat ha!!!!



Thursday, July 15, 2010

"BEERDAY KO PALA"

Matapos ang isa na namang taon sa aking buhay na pwedeng  pangpelikula, hindi ko lubos maisip na medyo may kalaliman narin pala ang aming pagkakasama.  Sabi ko nga sa huli kong blog na sanay inyong nabasa, baka sa susunod ang headline ay ako na.  At dahil nga birhtday ko kahapon ako ang naatasang magbasa sa mga kumento nila.  Bago ko sagutin ang mga naisulat nila, ano nga ba at sino si PROFESSOR X sa mata ng kanyang tunay na kapamilya?  Sa ngayon ako ang inyong tagapagpakilala.
 Laki sa isang mahirap na pamilya, na minsay naging huwaran ng iba at sa kasamaang palad ay pinaghiwalay sila ng tadhana. 
(Sa farm sa Kiamba)

Bunso sa dalawang magkapatid at ngayo'y tiyuhin nang dalawang pamangkin nya, na sa kanya nama'y todo ang suporta.
(Jhun2 & Nash Bariguez)

Laki sa kumplekadong kultura, dahil sa dami at laki narin ng kapamilya na ngayon ay halos endangered species na.  Hubog ang ugaling palaban mula sa kanyang ina
(My Mama: Lolita Garcia Caliza)

at pagiging emosyonal sa ama.
 (My Papa: Francisco Baliton Bacani)

Nagtapos ng kursong abugasya, este pangteknolohiya (Computer Technology) at business administration (BSBA Management) pala, sa MSU-Gensan at naging Presidente ng Supreme Student Council (SSC) sa huling taong pananatili sa paaralan nya.
 
(Supreme Student Council - Presidential Table)

Naging aktibo sa mga panloob at panlabas na aktibidades ng iskol na pati ang programa ng ibang bansa tulad ng Amerika ay hamak na pinasok na.
(TOSP Kuya Nald & Ate Pamela with Rebekah Drame Cultural Attache of US of America-Phil)

Minsan ding tinuligsa at inintriga  ngunit bou at nakatayo parin sa sariling paa dahil sa tibay ng prinsipyo nya.
Maituturing nyang tagumpay ang pananatili sa isang kumpanya dahil sa minsang nyang napatunayan ang haba ng kanyang pasensya.

Sino ba namang mag-aakala na sa dinami-dami ng mga taong makaharap at dapat pakisamahan, nanatili syang tapat, mapagkaibigan, matulungin, at mabait sa kanyang mga kasama. Habang naging strikto at supdalo naman ang imahe, sa mga taong hindi lubos ang kanilang pagkakakilala at sa mga taong alam ang tunay na dahilan kung bakit ganyan sya.  Sa blog na ito http://logisticsdivision.blogspot.com/2010/07/ang-bidang-kontrabida-professor-x.html  inyong mababasa ang mga kumento nila at sa katunayan para masigurong wlang edit ang nangyari narito ang original na kopya.

Sa aking mga kasama, akoy lubos na nagpapasalamat sa walang sawang suporta, walang katapusang batian at panggising na tawagan, regalong umaapaw,

at meryendang sana'y may dagdag pa.  Kayo'y makakaasa na ang inyong mga kumento at pagkakakila ay maging paala-ala sa akin na akoy isang tunay na tao na pala. Bwahahahhahh.

Sanay akoy inyong masamahan sa ating walang sawang "SAMAHANG WALANG KATULAD" at makakaasa kayong ako ang matitira nyong kakampi at kasamahan sa panahong inakala nyong kayo'y napagkaisahan ng iba. Sa mga taong minsang sinubukan ang aking kakayahan at kahinaan, itoy lagi nyong tandaan.  Si Professor X ang tipong taong dalawa lang ang kinatatakutan, ang PANGINOON na sa kanya'y nagbawal pumatay at ang SARILI  NYA mismo, na handang pumatay.

Sa mga bumati tulad nina, Mama, Papa, Ate, Kuya, Tata, Renz, Jhun, Nash, Ante at Uncles, Kaopisina na sina Rudy, Donald, Love-love, Kharol, Arvin, Robar, Richard, Pareng Pery, Ronald, Joefer, Shane, Ate Net, Yakim, Tuling, Eric, Bombo, at Joemar.  Kabrob at Katropa sa Fraternity at iba pa. Ka Berks at mga Amiga, mga taong sekrito at bulgaria.   Kay Double R, Jazz, Kelly at iba pa saan man kayo nagmula maging sa ibang bansa.  Ano man ang tawag nyo sa kanya..... Suma total mabait parin siya ngayon palang maniwala ka na.
 
(Professor X this Year)

(Professor X Last Year)
SALAMAT HAH  !!!!!!!!!  at bilang pangwakas narito ang ilan sa mga kuha ng camera isang taon ang nakalipas sa parehong selebrasyon kasama parin ang SAMAHANG WALANG KATULAD.

Tuesday, July 13, 2010

"DRAMA KA PA, BUKING KA NA"

Malamang ito’y nakakatuwa marahil isa dito ay matatamaan ka, pero okey lang kasi matapos mo itong basahin makakaasa ka na hindi lang ikaw ang mag-aabang at mag-umpisahang magbantay sa iyong mga kasama. Sa tagal-tagal ba naman nating magkasama malamang kilala na natin ang isat-isa. Hindi man sa kaloob-looban nya kahit sa galaw man lang mababasa mo na.

Kaya narito ang ilan sa mga palatandaan upang malaman kung ang iyong kaopisina ay nagtatrabaho pa o hindi na. Bantayan ang bawat galaw dahil isa dito katabi mo lang sya.

1. NAKASMILE SYA

 – ito yong mga tipong taong smile nalang or tawa nalang ng tawa kahit wala ka namang makitang kaharap nya. Alam mo ba kung anong ginagawa nya? May kachat yan syang wlang kwenta, malamang nasa ibang bansa o kaibigan naya. Try mong kausapin im sure madedeadma ka.

2. SERYOSO SA SCREEN

 – ito naman sila ang mga taong mahilig mangutya sa iba dahil malamang takot sila na maunahan mo sya. Alam mo na kung anong ginagawa nila? Ang totoo nyan, nagbrowse lang yan siya at may hinahanap pa na hindi nya makita for sure walang kinalaman sa trabahong opisina. Wag mo nang distorbohin kasi baka ikaw pa ang may sala pagnalito sya.

3. IDLE OR NOT AT MY DESK NASA HARAP LANG PALA

 – ito naman ang mga taong kunwari may mga transaction sa iba or saan-saan nagpupunta kaya status nila idle kumbaga. Pano kasi madali din naman tayong madaya pag hindi natin sila makikita. Alam mo ba kung anong ginagawa nila? Itext mo sya siguradong marereplayan ka nya dahil ang hawak nya cellphone pala at nasa harap lang sya ng computer nya.

4. BITBIT ANG DRAMA

 – ito naman sila ang mga tipong taong busy talaga kasi naman kesyo trabaho nila cross functional kumbaga. Sa lahat ng pagkakataon may props silang laging dala-dala. Kung hindi man folder, requisition, job order or kung ano-ano pa. Alam mo ba kung anong pakay nila? Bibisita lang yan sa ibang opisina dahil makikipagkwentuhan lang yan at managap ng bagong balita.  Yan ang mga taong tsismoso at tsismosa.

5. U.T.I ANG DRAMA LALABAS LANG PALA

– ito naman sila ang mga taong kunwaring may nararamdaman nang masama, dahil di umano may U.T.I sila, lalaki at babae pasok kayo kung sa CR ang scape goat nyo kumbaga. Alam mo ba kung ano ang totoong dahilan nya? Wala na syang magawa sa table nya magbabakasakali nalang na mapansin siya ng kaibigan habang palakad-lakad sya, o diba pagkatapos nun tsismis na.

Oh ano? smile ka pa? tamaan ka sa lima? paghindi ka nakatawa im sure sapol ka? Kung itatanong mo kung san ako banda, antayin mo sa sunod malamang ang headline ay ako na.  So pano yan ibalita mo ha kung sinong may ganyan din ang drama.  Share mo narin baka maunahan ka nya para kunwari inosente ka...